STORY: Kailan nga ba Makukuntento ang Tao?
Story of Hope by Angel Mata
Minsan ko nang tinanong ang aking sarili kung bakit hindi ako makuntento. Tila ako’y isang batang paslit na kapag may kending hawak at biglang makakita naman agad ng tsokolate ay agad nang magpapabili. Ako’y nais ring tumulad sa ibang kabataang ang nais lang ay bagong gadget, o mabilis na internet. Hindi ako matapos tapos sa paghiling ng mga material na bagay na hindi naman ganun kailangan. Ako’y nagmuni-muni nang isang gabi at tinanong sa aking sarili “Kailan nga ba makukuntento ang tao?
Pagkalipas ng ilang minuto’y nagbukas ako ng Facebook. Scroll. Scroll. Scroll. hanggang sa makita ko itong isang page na tila hike-for-a-cause. Ang cool. Naaalala ko tuloy yung nabasa ko sa Psychology Today na nakakawala raw ng stress ang sunset, sunrise at hiking. Sabi ko sa sarili ko na baka nasa bundok ang sagot sa mga tanong ko.
Taong 2015 nang magsimula akong sumama papunta sa isang Mangyan community sa Lucban. Sabi ni Kuya Shernan, siyam na oras lang naman ang lalakarin. Akala ko madali lang. Hindi sya nakakapagod, actually. Sobrang nakakapagod! Kailangan mong huminga ng malalim dahil hindi mo alam kung kailan pa ang susunod. Kailangan mong maging matibay kasi ang mga paa mo ang pundasyon para maabot mo ang komunidad. Ilang ilog ang dapat tawirin, ilang sanga ng malalaking puno ang dapat iwasan, at ilang matatarik na bundok ang kailangang ahunin. Hindi ito naging madali lalo na ako’y isang babae.
Nang marating naming ang lugar, hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng aming mga kapatid na Mangyan. May mga batang paslit na nangungulit na kaagad. May mga amang iniwan ang kanilang trabaho sa loob ng isang araw para kami ay salubungin. May mga ina naman na sinadyang tapusin na ang mga gawaing bahay para makilahok sa aming programa...
Higit pa roon, may mga bagay pa akong mas napansin. Walang signal. Walang internet. Walang kuryente. Walang tubig. Walang palikuran. Walang magarang buhay. Ngunit silang lahat ay nakangiti. Silang lahat masaya.
Kinaumagahan noon ay nagsimula na kami sa aming mga programa. May mga volunteers para sa pagpapakain, mayroon naman para sa pagpapaligo at pagpapagupit ng buhok, mayroon din sa pagtuturo sa mga bata at mayroon ding medical mission.
Bilang isang guro, ako’y nagpasyang magturo sa mga bata. May dala-dala akong mga storybooks mula sa donasyon ng aking mga kakilala sa paaralan. Walang mapaglagyan ang kanilang mga ngiti. Sobrang saya nila at ramdam ko yun. Ngayon lang kasi nila napakinggan ang mga kuwentong pambata na akala ko’y alam na nila. Naisip ko tuloy, ako, minsan, tinatamad mag-aral, tinatamad pumasok samantalang ang mga batang ito, ni lapis o papel, wala sila pero nais matuto.
Natatandaan ko pa sa tuwing nagtatampo ako sa mga magulang ko sa tuwing hindi ako mabilhan ng bagong damit ngunit ang mga batang ito, wala silang cabinet sa bahay dahil wala naman silang mailalagay. Minsan, naiinis ako sa sarili ko kasi outdated ang cellphone ko, walang entertainment. Pero nang makita ko silang nagtatawanan habang nasa taas ng puno, narealized ko na contentment is not the fulfilment of what we want in life but it’s the realization of how much we already have.
#KeepHopeAlive doesn’t only help the Mangyan community in terms of everything. It also helps its volunteers to find their purpose on this world.
If there’s one thing I truly learned from the hike, the organization, and the people I’ve met, it’s that there is someone out there in the mountain, who is happy with less than what I have! So let’s be contented
Story No. 05
Angel Mata, Educator & Youth Leader
Angel Mata, Educator & Youth Leader
Comments
Post a Comment